Saturday, April 28, 2018

Ibong Madaragit: Buod ng Kabanata 1


TAUHAN:
Karyo - kasamahang gerilya ni Mando
Martin - kasamahang gerilya ni Mando
Mando Plaridel - isang gerilya na dating tinatawag na Andoy noong nasisilbi pa sa isang mayamang pamilya sa maynila
Tata Matyas - matandang rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila at Amerikano na naninirahan sa paanan ng Sierra Madre

BUOD:
Kalagitnaa ng 1944 sa Pilipinas. Habang humihina na ang mga Hapon at lalong tumitindi ang pag-atake ng mga gerilya ay lalo namang naghihirap ang bansa. Hindi pa gaanong nanunumbalik ang tulong ng mga  Amerikano tulad ng ipinangako ni MacArthur bagamat may manaka-nakang "raid".

Tatlong sugatan at nanghihinang gerilya ang dumating sa kubo ni Tata Matyas upang makituloy. Ang nagpakilala ay si Mando na matagal nang kakilala ni Tata Matyas kaya magiliw silang pinatuloy ang pinaghandaan ng makakain dahil batid na rin naman ng matanda na laging nangangailangan ng pagkain. Naisalaysay ni Mando ang biglaan at madugong pagsalakay ng mga Hapon sa Sampitan na siyang kalasag ng pinakapunong himpilan ng mga gerilya sa Infanta at lihim na dinadaungan ng tulong mula sa Amerika. Si Mando, kasama sina Karyo at Martin, ay umatras ng maubusan ng punglo at malamang isang pagpapatiwakal ang magpatuloy sa pagkikipaglaban.

Si Tata Matyas ay naging rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila at Amerikano. Ngunit sa pagsuko ng pwersang Pilipino laban sa mga Amerikano, pinili ni Tata Matyas ang magpaiwan sa isang liblib na bayan at matagal din nagtago sa paanan ng Sierra Madre. Ang kanyang kubo na gawa sa kawayan, kugon, at iba pa ay salat sa kagamitan bagamat mapapansin na may larawan siya ni Rizal at Bonifacio, ang dalawang dakilang bayani para sa kanya.

Si Mando naman, mula nang mapasama sa mga taong labas dahil sa pagtakas sa pag-uusig sa kanya ng mayamang pamilyang pinanglilingkuran niya, ay ilang beses nang nakikituloy kay Tata Matyas na magiliw naman sa pagtanggap sa mga tulad niyang nangangailangan.

Apat na buwan na ang nakakaraan sa pagdalaw ni Mando ay naipahayag ni Tata Matyas ang kagustuhang gawin ang isang bagay kung kasingbata lamang siya ni Mando. Dahil sa pagtataka ni Mando, nalaman niya sa matanda na nais nitong masisid at makuha ang kayamanan ni Simoun sa nobelang "El Filibusterismo" ni Rizal na inihagis ni Padre Florentino sa dagat pasipiko. Naniniwala ang matanda na totoo ang kwentong ito at kilala diumano ng kanyang mga ninuno si Padre Florentino. Kaya lamang daw hindi kapani-paniwala ito ay dahil nasa kasaysayan na na palabuin sa kamalayan ng mga tao ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino. Nakumbinsi si Mando sa mga sinabi ng matanda bagamat noon una ay inakala niyang nag-uulianin na ito. Nais pag-aralan ni Mando ang mga dapat gawin. Ang mga usapang ito ang nanumbalik sa isipan niya sa muli nilang pagkikita ni Tata Matyas na kasama sina Karyo at Martin.

1 comment:

  1. How to deposit to casino and start online real money online
    › How-to-acct › How-to-acct How to start online 태백 출장샵 real money online - How-to-acct 동두천 출장안마 Quick and easy. 경산 출장샵 Most casinos require a username, password, and password in order to play 청주 출장마사지 at real money online 시흥 출장샵 casinos.

    ReplyDelete