Saturday, April 28, 2018
Ibong Madaragit: Buod ng Kabanata 1
TAUHAN:
Karyo - kasamahang gerilya ni Mando
Martin - kasamahang gerilya ni Mando
Mando Plaridel - isang gerilya na dating tinatawag na Andoy noong nasisilbi pa sa isang mayamang pamilya sa maynila
Tata Matyas - matandang rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila at Amerikano na naninirahan sa paanan ng Sierra Madre
BUOD:
Kalagitnaa ng 1944 sa Pilipinas. Habang humihina na ang mga Hapon at lalong tumitindi ang pag-atake ng mga gerilya ay lalo namang naghihirap ang bansa. Hindi pa gaanong nanunumbalik ang tulong ng mga Amerikano tulad ng ipinangako ni MacArthur bagamat may manaka-nakang "raid".
Tatlong sugatan at nanghihinang gerilya ang dumating sa kubo ni Tata Matyas upang makituloy. Ang nagpakilala ay si Mando na matagal nang kakilala ni Tata Matyas kaya magiliw silang pinatuloy ang pinaghandaan ng makakain dahil batid na rin naman ng matanda na laging nangangailangan ng pagkain. Naisalaysay ni Mando ang biglaan at madugong pagsalakay ng mga Hapon sa Sampitan na siyang kalasag ng pinakapunong himpilan ng mga gerilya sa Infanta at lihim na dinadaungan ng tulong mula sa Amerika. Si Mando, kasama sina Karyo at Martin, ay umatras ng maubusan ng punglo at malamang isang pagpapatiwakal ang magpatuloy sa pagkikipaglaban.
Si Tata Matyas ay naging rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila at Amerikano. Ngunit sa pagsuko ng pwersang Pilipino laban sa mga Amerikano, pinili ni Tata Matyas ang magpaiwan sa isang liblib na bayan at matagal din nagtago sa paanan ng Sierra Madre. Ang kanyang kubo na gawa sa kawayan, kugon, at iba pa ay salat sa kagamitan bagamat mapapansin na may larawan siya ni Rizal at Bonifacio, ang dalawang dakilang bayani para sa kanya.
Si Mando naman, mula nang mapasama sa mga taong labas dahil sa pagtakas sa pag-uusig sa kanya ng mayamang pamilyang pinanglilingkuran niya, ay ilang beses nang nakikituloy kay Tata Matyas na magiliw naman sa pagtanggap sa mga tulad niyang nangangailangan.
Apat na buwan na ang nakakaraan sa pagdalaw ni Mando ay naipahayag ni Tata Matyas ang kagustuhang gawin ang isang bagay kung kasingbata lamang siya ni Mando. Dahil sa pagtataka ni Mando, nalaman niya sa matanda na nais nitong masisid at makuha ang kayamanan ni Simoun sa nobelang "El Filibusterismo" ni Rizal na inihagis ni Padre Florentino sa dagat pasipiko. Naniniwala ang matanda na totoo ang kwentong ito at kilala diumano ng kanyang mga ninuno si Padre Florentino. Kaya lamang daw hindi kapani-paniwala ito ay dahil nasa kasaysayan na na palabuin sa kamalayan ng mga tao ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino. Nakumbinsi si Mando sa mga sinabi ng matanda bagamat noon una ay inakala niyang nag-uulianin na ito. Nais pag-aralan ni Mando ang mga dapat gawin. Ang mga usapang ito ang nanumbalik sa isipan niya sa muli nilang pagkikita ni Tata Matyas na kasama sina Karyo at Martin.
Ibong Mandaragit: Repleksyon sa mga Panimula
Ang nobelang Ibong Mandaragit na isinulat ni Amado V. Hernandez noong dekada '60 ay isa na ngayon sa mahahalagang bahagi ng panitikang Pilipino. Mahaba ang kaysayan nito kaya ngayon ko pa lamang sisimulang basahin ang akdang ito. Magkagayunman, nabasa ko na ang buod nito noong nag-aaral ako ng high school. Naging aralin namin ito sa Filipino III sa panahon ng BEC 2002 curriculum. Ito ang nakapukaw sa akin ng interes na makilala pa ang akdang ito.
Sa pagsilip ko sa akdang ito nang magkaroon ako ng pagkakataon na mahawakan ang orihinal na dekada 60 na limbag ng aklat na ito sa aklatan ng aking paaralan sa pamantasan, natuklasan ko na marami pa akong dapat matuklasan sa nobelang ito. Ang buod na nabasa ko noong high school ay pasilip lamang sa kabuuan ng nobelang ito.
Ilang taon matapos kong mahawakan ang lumang kopya ng aklat na ito, mapalad akong makapagmay-ari ng kopya nito na mabibili sa mga kilalang aklatan sa bansa ngayon. Sa kasamaang palad, dala na rin ng mga inaasikaso at pagpipilit na makatapos ng masters degree, ito kasama ng iba pang mga kalat ay hindi ko napaglaanan ng panahon na basahin ng buo.
Kasabay ng pagkakabuo ng blog na ito, babasahin kong ang aklat na ito upang matuklasan ang mga kwentong nakapaloob sa aklat na ito. Bilang pagtulong sa pagpapakilala ng aklat na ito sa iba pang tao, isusulat ko sa blog na ito ang aking repleksyon sa nobelang ito maging ang buod ng bawat kabanata nito.
Simulan na natin....
Ang Ibong Mandaragit ay isang nobelang sosyo-politiko (ayon na rin sa aklat nito) dahil patungkol ito sa kalagayan ng mga Pilipino at sa mga taong namamahala at mga nagtataguyod ng karapatan ng mga tao.
Una ito nalimbag noong 1969 bilang isang buong aklat.
PAUNANG SALITA
ni HENERAL CARLOS P. ROMULO
Kalihim, Kagawarang Panlabas
REPUBLIKA NG PILIPINAS
(Marso, 1969)
Repleksyon:Mababasa sa paunang salitang ito ang malaking paghanga ng noon ay kalihim ng Kagawarang Panlabas ng Pilipinas sa may-akda ng nobela. Naging kakaiba diumano ang nobelang ito ni Amado V. Hernandez dahil kaysa sumabay sa nauusong nobela ng romansa at eskapismo, mas pinili ni Hernandez na ilarawan ang kalagayan ng mga Pilipino mula sa panahon ng pananakop ng mga Hapon hanggang sa pagpapatuloy ng pamumuhay ng mga Pilipino sa mga lumang impluwensyang mapaniil sa karapatan mabuhay ng mga Pilipino. Bilang dating katrabaho ni Hernandez sa mga pahayagang DMHM, ganitong binuod ni Romulo ang katauhan ni Amado V. Hernandez:
"Ayan si Amado V. Hernandez, isang peryodista, makata, orador, at mangangathang makabansa, na tunay na dangal ng ating panitikan at kapurihan ng ating bayan."
PAUNAWA NG MAYKATHA
Repleksyon:Ipinaalam dito na nakulong si Hernandez sa kasong "rebellion complex" noong Enero 26, 1951 dahil sa pagtulong sa kilusang maggagawa. Sa pagkakabilanggong ito, nabuo niya ang kanyang mga obra at isa rito ang aklat ng kanyang mga tula na "Isang Dipang Langit". Kasabay ng aklat ng tulang ito nabuo ni Hernandez ang balangkas ng nobelang Ibong Mandaragit. Tulad ng ibang obrang nabuo sa bilangguan na ginawa ng mga tulad ni Balagtas sumilang ang mga obra ni Amado V. Hernandez. Naging daan din ang paunawang ito upang pasalamatan niya ang mga taong nakatulong sa kanya upang mailimbag ang aklat na ito.
PAUNAWA SA BUMABASA NITO: Malaya kayong gamitin ang nilalaman nito ngunit tandaan na ikredito ito sa aklatmulat.blogspot.com
Thursday, April 26, 2018
Ang Sampung Aklat ni Bob Ong (Sa Ngayon...)
Marami nang nagbasa kay Bob Ong. Marami na rin ang na-post sa Facebook na quotes mula sa mga naisulat niya. Maaaring sabihin na bahagi na si Bob Ong ng makabagong panitikan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, marami pa rin (sa tingin ko) ang sumusubaybay sa bagong ilalabas ni Bob Ong sa hinaharap. Ito ay sa kabila na nananatiling pa ring misteryoso si Bob Ong sa kanyang mambabasa.
Sa pagbasa ko sa mga aklat ni Bob Ong, narito ang mga napansin kong paksa ng bawat aklat:
1. ABNKKBSNPLAko?! (2001) - ito ay mga salaysayin tungkol sa mga karanasan ni Roberto Ong (o ni Bob Ong?) sa kanyang buhay-paaralan mula nang mag-aral siya ng kinder, elementary, high school, college, at hanggang sa maging guro rin siya. Makikita rito ang kanyang obserbasyon at sentimyento tungkol sa mga nangyayari sa paaralan at buhay mag-aaral. Kung natuto ka ng Abakada noong elementarya, nabasa mo ba ang pamagat ng aklat na ito?
2. Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002) - ito ay aklat tungkol sa mga isyung panlipunan sa Pilipinas. May mga nagsasabi na karamihan ng mga laman nito ay mula sa iba't ibang sanggunian kaya masasabing kalipunan lamang ito na ginawa ni Bob Ong ngunit ang mga sinasabi niya sa mga nakalap na isyu ay siyang nagpapatingkad sa mga suliranin ng ating bansa. Subukan mong basahin ang aklat na ito at malalaman mo kung bakit kahit ikaw baliktad magbasa ng aklat niyang ito.
3. Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003) - tungkol sa espiritwalidad ang paksa ng aklat na ito. Kung minsan napapaisip ka tungkol sa ating Panginoon, makikita mo sa aklat na ito na mahalaga ang pananampalataya. Huwag kang magtutungayaw at maaari mong marinig sa iyong isip matapos mabasa ang aklat na ito ang theme song ng Tanging Yaman.
4. Alamat ng Gubat (2003) - "ang librong pambata para sa matatanda!". Bakit? Ang cute ng mga drawing sa mala-childrens book na ito ngunit ang banghay (plot), kakaiba. Mapapaisip ka tungkol sa Pilipinas matapos mong basahin ito.
5. Stainless Longganisa (2005) - paano nga ba magsulat? Dito mo mababasa sa aklat na ito kung paanong ang maging manunulat ay matamis na mahirap na hindi mo maipaliwanag. At ang magaling sa aklat na ito, rekomendado ito ng mga manunulat ng Harry Potter at Da Vinci Code... diumano...
6. Mac Arthur (2007) - sa aklat na ito makikita na may kwento rin ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ito ay dahil lahat ng tao ay may pinagdadaanan. Na-gets mo ba 'yung pamagat? Napansin mo ba yung pabalat ng aklat? Kung napansin mo, isipin mo kung ano ang kaugnayan nito sa mga bida.
7. Kapitan Sino (2009) - "ang pinakabagong superhero noon". Panahon ni Pang. Cory, isang electrician ang naging superhero. Sa aklat na ito mauunawaan mo na minsan ay abusado ang mga tao at kung magkakaroon man ng superhero sa totoong buhay, paano kaya sila itatrato ng mga taong ang iniisip ay ang kanilang sarili lamang.
8.Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (2010) - noong una kong binasa, akala ko isang simpleng diary lang. Akala ko walang excitement. Mali ako. Kung malikot ang imahinasyon mo, nakakatakot na kwento ito. At payo sa magbabasa nito, huwag basahin ang mga nakasulat dito na hindi mo naman naiintindihan, malay mo, baka sumpa iyon.
9. Lumayo Ka Nga sa Akin (2011) - akala mo romance pocketbook, screenplay pala na nasa anyo ng romance pocketbook ang aklat na ito. Tulad ng Shake, Rattle & Roll, nahahati sa tatlong kwento ang aklat na ito. Ito ay may Aksyon (Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat), Horror (Shake, Shaker, Shakest), at Drama (Asawa ni Marie). Ang aklat na ito ay kritisismo ng mga mismong mga karakter sa kalidad ng pelikulang Pilipino. At tama ang pamagat ng aklat na ito.
10. Si (2014) - (pasensya na, di ko pa nababasa... walang panahon....) pero nang silipin ko ang aklat na ito, nagsimula ito sa 72 at natapos ang kabanata sa 1. Anong klaseng pagkakabanata....? Edad kaya yun ng tauhan sa aklat. Malalaman...
At iyan ang mga aklat ni Bob Ong sa ngayon. May susunod pa sana/kaya? Alin sa mga ito ang nabasa mo na? Tama ba ang mga sinabi ko rito?

Simulan na Natin...
Ang Filipino, ang wika nito at ang panitikang nakakatha nito, ay bahagi na ng buhay ng bawat isa sa Pilipinas. Ngunit ang pagbabago ay mabilis na dumarating at hindi na lamang limitado ang Filipino sa papel ngunit sa iba't ibang media.
Dahil sa nabanggit ko, sinisimulan ko ngayon na ibahagi ang aking saloobin tungkol sa Filipino. Anumang inyong makikita sa blog na ito ay mga bagay na nais ko lamang ibahagi sa iba. Ikatutuwa ko kung ako'y makakatulong. Kung may pagkukulang man ako, naniniwala akong bahagi ito ng pagkatuto ko upang mas maging malawak pa ang aking pananaw sa Filipino.
Maligayang pagbabasa!

Subscribe to:
Posts (Atom)